pampalusog muli itong paalmusal ni misis
aba'y kaysarap na ulam ng pipino't kamatis
pampalakas na, aba'y pampakinis pa ng kutis
mga pagkain itong pagsinta'y di nagmimintis
pipino'y cucumis sativus ang ngalang pang-agham
na mataas sa nutrient, isang anti-oxidant
siyamnapu't limang porsyento'y tubig yaong laman
pampalusog din ng bato, sa kanser ay panlaban
ang kamatis naman ay solanum lycopersicum
may taglay na vitamin C at K, folate, potasyum
matagal ko ring nakasama lalo't nagugutom
at malaking tulong sa saliksik ko't paglalagom
kaya pipino't kamatis ay kaygandang almusal
pampatibay ng kalamnan, di ka basta hihingal
malinaw ang pananaw sa lipunang umiiral
sa anumang problema'y pag-asa ang niluluwal
- gregoriovbituinjr.
09.28.2021
No comments:
Post a Comment