saan na naman patutungo ang maghapong ito?
na kahit tag-araw, pakiramdam mo'y bumabagyo
nilalagnat ang kalamnan, tumama'y ipuipo
paano ba malulunasan ang sakit ng ulo
nangangatog ang mga tuhod pagkagising pa lang
animo'y pinaglaruan ng sanlibong balang
tila ba nagdedeliryo, diwa'y palutang-lutang
nasa diwa'y paano diligan ang lupang tigang
masakit makitang magkasakit ang kapamilya
di maisugod sa klinika pagkat walang pera
di malaman kung nakabuti nga ang kwarantina
lalo't wala na ngang trabaho ay wala pang kita
"Bawal magkasakit," ayon sa isang patalastas
ito'y isang paalalang dapat kang magpalakas
magpaaraw ka, maggulay ka, uminom ng gatas
at tubig, bakasakaling ito ang makalunas
- gregbituinjr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mayo 7, araw ng mga health worker
MAYO 7, ARAW NG MGA HEALTH WORKER ang ikapito ng Mayo ay Health Workers' Day pala sa mga health worker, salamat sa inyo talaga dahil s...
-
RESPETO social distancing sa pag-aabang ng masasakyan sundin ang mga nilagay na bilog sa lansangan doon kayo umapak, isang metro ang pagitan...
-
Mga buto ng okra paborito ko na ang okra mula pagkabata kaya madalas sa almusal ko'y di mawawala isasapaw sa sinaing, kaysarap namang sa...
-
DAPAT DAW NATING I-MONITOR ANG SARILI wala raw social distancing ang nakita sa T.V. yaon daw mga nagsidalo sa Labor Day rally kaya Kagawaran...
No comments:
Post a Comment